Gesamtlänge aller Episoden: 23 hours 24 minutes
Ganda ng product, kaya lang tagal ng delivery... pagkadating sa 'yo panis na. Tapos, mabilis naman, mali mali nga lang yong kulay, yong item di tama yong nabigay, kulang yung bilang ng items. Complaints pa more.
Pansin mo din ba to sa mga reviews? Palagay ko nababasa mo din sya. At siguro naman naranasan mo din yong mga ganung bagay in your own online purchase experience.
Sa panahon ba naman ngayon ng instant, parang gusto natin lahat nagagawa sa isang kidlat...
Namomroblema ka ba sa business mo? Sakto! Kasi Jungie and Airon held their first-ever AUA (Ask Us Anything), where they answered questions about brand building and online marketing LIVE! Baka ito na ang kailangan mo'ng marinig para makabenta ka na rin...
Gusto mo rin bang maka-build ng sarili mo’ng ecom brand like Jungie and Airon? Mukha bang madali o intimidating? Don’t worry! Kasi kung nag-aalangan ka pa ring magsimula, this epsiode is for you. Kung feeling mo naman na parang napasubo ka, relax! Para sa’yo rin ‘tong episode na ‘to. Kasi Jungie and Airon will discuss challenges and misconceptions about building an e-com brand from scratch, pati na rin ways on how you can overcome them...
Gusto mo bang magtayo ng negosyo online? Do you have something specific in mind na gusto mong ibenta at gigil ka nang maglaunch na? Kaya lang dami mong agam-agam. First time kasi...or di naman unang pagkakataon kaya lang gusto mong maayos lahat sa umpisa pa lang. O di kaya it's a different industry or niche yung tatahakin mo this time. Eh wala ka namang sobrang alam dito. Pano na?
Kasi, sa totoo lang, hirap mag isip pag mag isa ka lang, daming back and forth pa nyan sa umpisa...
Relate ka ba? Minsan, pag sa iba, nagagawa mo namang makabenta. Yakang yaka mo nga mapataas ang sales nila, pero bakit sa sarili mong business, nganga? Pwera lang kung makatsamba. Hanggang dun na lang ba?
Expert ka nga sa FB ads, galing kang email copywriter pero bakit nangungulelat sarili mong business? Ginagawa mo na nga lahat...wala ka na ngang tulog, you're everywhere, in fact. Pinasok mo na lahat lahat ng media platforms, kulang na lang tu-mumbling ka. Wala pa rin...
Ang tanong, 'Ano ang gagawin mo pag magstart ka ng business ulit?'. Marahil tanong mo din to sa mga nagagwapuhan at yayamanin [ehemmm...] nating mga hosts...
Business with its many facets and the nitty gritty details involved when starting up and running it, di maubos ubos talaga ang tanong. And who better to ask and get pieces of advice from than those who have been on this journey and who have tried, tested, and successfully proven strategies that really works...
“What tips and hacks can you share to help become more productive?” - Jeff
Ano ba talaga kasi ang ibig sabihin ng productive? And how does one measure it? Jeff, one of WKB’s listeners sent in this question, and Airon and Jungie will share their personal tips to give you an idea on how to be productive.
Ito ‘yung nag-work sa kanila. And caveat lang, it may not work for everybody ha. Bakit? Kasi iba-iba tayo ng situation. Iba-iba ang responsbilities natin...
Are you planning on starting a business, but you don't have any experience running one? Much less you don't have any idea what things to consider, kung meron man, you need more heads para timbangin ang mga bagay bagay. Of course, that's understandable, pera pinag-uusapan dito. Business is an investment. Anything na investment may kakambal na risk yan, and for that kailangan natin mamanage ang ganitong mga bagay...
Naranasan mo na bang ma-ban sa Facebook at mawalan ng Facebook Page? Nakakadismaya, di ba? Pano pa kung ikaw ay business owner at restricted yung account at page mo, eh di wala kang benta, wala kang negosyo. Usually that runs not just for a day but for ilang araw. Imagine the inconvenience and the loss of sales. Yan ang isa sa mga downside pag you don't own and you don't control the platform. Anytime, pwede kang palayasin ng walang paalam...